HECTOR'S ADVENTURES (Chapter 09 - Valhalla)

Hector and Marco visit a spa.

..

This is a work of fiction. Names, characters, events, and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-----

Hindi malaman ni Hector kung siya ba'y gising o nananaginip lamang. Pakiramdam niya'y nakalutang siya sa alapaap. Kay-lambot ng hinihigaan niya. Nakahiga ba siya sa ulap? At kay bango ng naaamoy niya. Halu-halong amoy ng mga bulaklak. Hindi niya halos mabuksan ang kanyang mga mata dahil sa bigat ng kanyang mga talukap. Sa malamlam na ilaw ay naaninag niya ang isang magandang babae. Nakatitig ito sa kanya at nakangiti. Puting-puti ang suot nito. Isa ba itong anghel? "Tang ina," sa isip ng binata. "Patay na ba ako? Nasa langit na yata ako."

-----

TWO HOURS AGO 

"Haaay, ang sarap humiga," sabi ni Hector nang sumalampak siya sa couch ng dressing room sa labis na pagod. Katatapos lang niya sa isang mahirap na operasyon na tumagal ng halos walong oras. Wala pang limang minutong sumasayad ang likod niya sa couch ay parang makakatulog na siya. Isang linggo na kasi siyang halos walang tulog. Araw-araw ay nakababad siya sa operating room. Kapag gabi naman ay napupuyat siya sa dami ng mga reports at research na kailangang tapusin. At ngayon nga, isang mahabang operasyon na naman ang kanyang ginawa. Kung hindi pa siya tinulungan ng best friend niyang si Marco ay baka hatinggabi pa siya matapos.

"Hec!" Tawag sa kanya ng kaibigan nang sumilip ito sa dressing room ng ospital. "Ba't di ka pa nagbibihis? Halika na, alis na tayo."

Si Dr. Marco de Leon ay katulad...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow